page

Showing posts with label # testimony. Show all posts
Showing posts with label # testimony. Show all posts

11/12/13

Grateful to Have Found the True Teachings

This is the testimony of Sis. Conception "Connie" Papa of  PMCC (4th watch) Baltimore, MD


Sis, Connie was baptized on the 3rd Sunday of May 2011 after she was handed a bible tract around September of 2010. Prior to this, she was attending a cultic group of Apollo Quiboloy, a Filipino preacher claiming to be Jesus Christ in Filipino body.

"Bro. Neil, do I need to be baptized again?" was Connie's first question upon attending PMCC (4th watch) Baltimore. "My husband and I were already baptized from another church," she added, but deep in her heart the question lingered. For 2 years she was listening to Apollo Quiboloy and his claim to be Jesus Christ, the Son of God "in Filipino body". She was waiting for a sign to tell her this was the right church for her - until she received a job offer from Middle East and had to relocate. The rest is history.

Sis. Connie decided to be baptized after Bro. Neil Robeniol, the local pastor of PMCC (4th watch) Baltimore locale, shared to her God's word on the subject. When Bro. Neil scheduled her baptism, it was actually not Sis. Connie's day off from work, but at just the right time a co-worker switched shifts with her, and the baptism pushed through. What made her decide? She saw the teaching in the PMCC (4th watch) were all base in the bible, unlike the teachings of Quiboloy that are unbiblical. Every time Bro. Neil preached, she knew it was the truth because she could read it for herself in the Scriptures.

After baptism she became very active in the church, and she even attended the East Coast Sub-District Camp. Sis, Connie remembered that when she was in her former faith, they never involve her in any of their ministries. She said that since she was baptized in the true church, she never missed any Sunday worship, and even weekday bible study. She makes sure she's off from work. Now, she loves fellow-shipping with brethren, and her desire to serve the Lord is always there.

She learned that all her loved ones and friends must also be saved. She started sharing the word of God to her family, and by the grace of God, some of her relatives and friends were baptized and are now serving the Lord. Sis. Connie is very thankful because God had placed her in the true church, with the true teachings taught by God's sent one in the end-time Apostle Arsenio T. Ferriol and his co-ministers. Sis. Connie remains one of the active members in Baltimore, faithfully serving the Lord together with her family.



Related Articles:
Buhay Para Kay Cristo
Nasumpungan ang Tamang Paglilingkod
Lubos na Pagtatalaga
Ningas ng Pagtatalaga






I.C.U. Soliloquy

by: R-Vee Gail Camposagrado


The annoying sound of alarm clock woke me up from a fitful sleep. It was Friday, the last day of my duty for the week, and I need to drag myself to get up and shake my lazy bones to face another day of torment in ICU. Fifteen minutes before our call time, a nurse and I were given the endorsements of our patient assignment and I breathe in relief after knowing that I will handle a "toxic-free" patient, which means that I will only render routine care. Somehow, the pre-weekend blues was placed at bay.

It wasn't until we receive a call from the other station, informing us that one of their patients will be transferred in the ICU for strict monitoring purposes. At first, we were not alarmed since we only need to keep track of her blood pressure and breathing  pattern. "Di ko kayo ito-toxic", my fellow nurse kindly said, and I smiled at her as I raised the head part of the bed. She was entrusted to one of my fellow nurses but I helped in assisting her needs so that I can do personal evangelism later to her and to the significant others. A few minutes later, the patient started complaining that she has difficulty in breathing and that the artificial oxygen must be increased. Moments later, her upper and lower extremities started to constrict, her lips turned bluish, signaling oxygen loss. The pupils of her eyes dilated, no longer responsive to light. The CPR and heart-pumping medications failed to rescue her. Right then and there, she died. Browsing the clinical history, I found out that her coronary heart disease worsened through the years. I was dumbfounded when the doctors declared the time of death. It was followed by a succession of deafening cries coming from relatives and friends, who neglected the doctor's explanations. "Di man lang ako nakapag-PE (Personal Evangelism)", I silently uttered. I terribly felt sorry for their loss, but what was more disconcerting in my part was my failure to share a verse or two which could have at least kept her calm before she began chasing her breath.

Man's life is so unpredictable and fragile, as the old cliché goes. We may be physically stable now, but tomorrow is still another day. That death encounter brought me a myriad of thoughts. It dawned on me that there are tons of reasons for me to be thankful to God about. One of which is that the Lord has made me physically fit, free from any malady or vices, making me more inclined to honor Christ with my body because I was bought for a price (1 Cor. 6:19-20). But beyond the steadfast physique, I am more grateful that I obtained salvation; I am assured that Jesus, the lover of my soul made it possible for a sinner like me to be reconciled with God, the Father, through Christ's death.

I went home right away after that dreadful circumstance, silent and speechless inside the car. Before I finally decided to retire to bed, I kneeled down and poured my heart out to God. That moment of quiet communion with Him brought a deep sense of peace in me. It is the peace of God that transcends all understanding which enabled me to ponder about my daily confrontations. He speaks not only in grandiose events but even in our most mundane activities, revealing to us His will, reminding us of our ultimate duty, and it is our task to faithfully respond according to the values and teachings being reiterated to us by the Sent Ones of God. I may not know exactly by now why it happened, or why it had a profound effect in me. But after that brief confession with the Lord, I was able to sleep soundly. Also, I vowed to come up with a more innovative and effective means of doing personal evangelism on my next duty schedule.

The next day, I received a box of PE (Personal Evangelism) tracks.



Related Articles:
Buhay Para Kay Cristo
Nasumpungan ang Tamang Paglilingkod
Lubos na Pagtatalaga
Ningas ng Pagtatalaga




Ningas Ng Pagtatalaga


This is the testimony of Sis. Amelia Caraballe of Sampaloc, Manila local 



Ako po ay lumaki sa isang pamilya na masasabing maka-Dios. Bata pa lamang ako ay kasa-kasama na ako sa gawain sa loob ng simbahan sa kinagisnang pananampalataya. Sa ganoong paraan ay unti-unting nabuo ang pag-ibig ko sa Dios.
Sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ako ng pagnanasa na pumasok sa kumbento bilang madre subalit hindi ako pinayagan ng aking mga magulang. Maaari naman daw akong maglingkod kahit na hindi ako maging madre.

Bago ako makapagtapos ng highschool ay nagdasal ako na sa pagpasok ko sa kolehiyo ay makapaglingkod parin ako sa Dios. Ngunit sadyang malakas ang hatak ng sanglibutan nasubukan ko ding tumikim ng bisyo gaya ng alak.

Tunay na ang Dios ay mabuti sapagkat hindi Niya hinayaan na mapariwara ang buhay ko. Ipinasumpong ng Dios sa akin ang tunay na pananampalataya sa pamamagitan ng dati kong kamag-aral at kababayan na si Bro. Lhordy Prepuse na siyang nag-imbita sa akin sa pamamagitan ng facebook. Lagi siyang nagbibigay ng mga talata sa Bible at nagpapatotoo ng mga gawa ng Dios. Dahil sa katiyagaan ng kapatid ng Lhordy ay napagpasiyahan ko na dumalo at naisama ko din ang nag-iisa kong kapatid. Sa simula'y nanibago ako ngunit nang aking marinig ang Salita ng Dios ay napaiyak ako lalo na nang kami'y lumapit na upang tanggapin ni Cristo. Doon ko lang nalaman na may Dios pala na nag-aabot ng kaligtasan at nagpapatawad ng mga kasalanan.

Ang Dios ay kumilos na makapangyarihan at walang pagdadalawang isip na nagpabautismo kami. Naging masigasig ako sa paglilingkod lalo na sa pagdalo ng mga gawain gaya ng devotion. Kahit mag-isa lang akong nagbabyahe papunta sa lokal ng Manila ay dumadalo ako. Minsan ay kinakapos ako ng pamasahe at naglalakad na lang ako pauwi. Nagpapasalamat ako sa Dios dahil binigyan Niya ako ng pagkakataong paglingkuran Siya kahit sa mga ganong maliit na pagtitiis.

Taong 2012, dumating na ang pinakahihintay kong gawain sa Malagasang, Cavite ang Youth Camp, sapagkat yaon ang unang pagkakataon na nakadalo ako ng ganon. Bagamat isang taon at walong buwan pa lamang sa paglilingkod ay nahamon ako sa mga mensaheng aking napakinggan. Kaya ako ay tumugon sa hamon at panawagan ng Dios na ipagamit ang buhay sa paglilingkod. Ngayon sa biyaya ng Dios kinakasangkapan ako sa pangangaral ng Salita ng Dios at pag-aakay ng mga kaluluwa.

Ang mensahe ng salita ng Dios dala ng kaniyang tunay na sugo sa kawakasan ng huling araw ay buhay at makapangyarihang kumikilos sa puso ko upang magawa ang pinakamabuting paglilingkod.


Related Articles:
Buhay Para Kay Cristo
Nasumpungan ang Tamang Paglilingkod
Lubos na Pagtatalaga





Lubos na Pagtatalaga

by: Sis. Julien Boncocan


This is the testimony of Sis. Jackielou Jonsson from Novaliches local


Ako ay isang kabataan na lumaki sa Iglesia at hinubog ng aking magulang sa paglilingkod sa Panginoon. Kami po ay na-convert sa pamamagitan ng house to house evangelism noong 1992 sa pamamagitan ng mahal na Pastor Eva Altura. Sa kaniyang pagtitiyaga na kami ay laging mapangaralan ay naakay po kami sa paglilingkod.

Umikot ang aking buhay sa paaralan, bahay at simbahan. Bunga nadin ng turo't aral sa Iglesia at matapat na paglilingkod ng aking ina, mula cadets at naging active ako sa Church. Kahit busy sa pag-aaral, ay naging priority ko pa din ang paglilingkod sa Panginoon. Hanggang sa ako ay naging youth officer sa aming lokat at sa kabuuan ng Goshen Area. Naging National Officer ako noong ako ay Junior at Senior Youth. High School pa lang ay nasa akin na ang damdamin na makapagbigay ng buhay sa Panginoon pero gaya ng ibang kabataan nagkaroon din ako ng pangarap at plano para sa aming pamilya. Nakapagtapos ako ng BS Nursing at naging registered nurse noong 2009. Sa taon ding yaon ay na-ordained ako na maging kabataang elder sa aming lokal at nagturo din ako sa MCA Novaliches. Bilang isang katungkulan na tinanggap mula sa Panginoon ay ginampanan ko ang aking pagiging elder at nilagay ko sa aking puso na dito ako tinawag ng Dios, pero dumating pa din sa akin na parang may kulang sa ginagawa kong paglilingkod. Hanggang sa nagkaroon ng National Fellowship ang mga kabataan sa Calamba at ang mahal na sugong apostol ang tagapagsalita. Higit kong naunawaan ang katotohanan ng Salita ng Dios at ito ang pumukaw sa aking puso at isip upang lubusan kong ipaglingkod ang aking sarili sa gawain ng Panginoon. Bagama't hindi madali dahil ang aking ina ay nagkaroon ng sakit. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi siya naging hadlang, ang kaniyang naging sagot ay "kung saan alam mo na magagamit ka ng Dios gawin mo, Dios na ang bahala sa akin". Alam kong higit ang magagawa ng Dios kaysa sa akin.

Ngayon ay isa na akong 2nd year Bible Student at dito ko naranasan ang lubos na kagalakan sa paglilingkod na hindi matutumabasan ng materyal ng mga bagay. Isang malaking prebilehiyo ang magamit ang buhay sa paglilingkod. Nabiyayaan ako na maging batch officer, isa sa mga staff nurse ng clinic ng Iglesia at part-time host sa news segment ng Oras ng Katotohanan sa telebisyon (ONK TV).

Nagpapasalamat ako dahil sa kabila ng marami kong kahinaan at pagkukulang sa Kaniya ay nabiyayaan pa din ako na lubusang makapaglingkod sa Dios.



Related Articles:
Buhay Para Kay Cristo
Nasumpungan ang Tamang Paglilingkod
Ningas ng Pagtatalaga





Nasumpungan ang Tamang Paglilingkod

by: Sis. Julien Boncocan


Testimony of Sis. Rosa Viacrusis from Sucat, Parañaque


"At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisi-ibig sa Dios, samakatuwid baga'y yaong tinawag alinsunod sa kaniyang nasa" - Roma 8:28

Labing dalawang taon pa lamang si Rosa Viacrusis nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang at mula noon dala ng kahirapan ay nakitira sila sa bahay ng kanilang kamag-anak kung saan hindi naman sila itinuring na kapamilya.

Dumating ang hindi inaasahang pangyayari sa buhay ni Rosa noong ikalawang taon niya sa kolehiyo. Naratnan niya ang kaniyang ama na nasa ospital dahil sa karamdaman.

"Nung time na yun talagang hirap na hirap ang kalooban ko kasi sabi ko paano na ako makakapag-aral nito, hindi ko alam kung makakatapos pa ako ng pag-aral kaya huminto ako upang matustusan ang pangangailangan ng tatay namin".

Naghanap siya ng mapapasukan at taong 2002 nabigyan ng pagkakataon ang kapatid na Rosa na makapagtrabaho sa isang security agency na nagpabago sa ukit ng kaniyang buhay.

"Ako ay nakapasok doon sa W4 Alliance Security Agency. Nagsimula ako as secretary at pagkatapos ng dalawang taon ay naging finance officer ako".

Hanggang sa nakita niya ang buong sangbahayan ng kaniyang mga boss na sama-samang naglilingkod sa Panginoon. Sila pala ay kabilang sa Pentecostal Missionary Church of Christ (4th watch). Nasaksihan niya kung gaano kaningas at sinsiro sa paglilingkod ang buong sangbahayan nila. Dahil dito, nagkaroon siya ng paghanga at pagnanasa na makadalo din sa mga gawain.

Taong 2010, buwan ng Oktubre ay naimbitahan siyang dumalo sa isang Church Anniversary sa Intramuros. Doon ay naranasan niya ang kapuspusan ng Banal na Espiritu. Sa pagluhod pa lamang at pananalangin ay higit niyang nadama ang pagkilos ng Panginoon. Matapos ang isang linggo ay nakadalo muli siya ng gawain sa lokal ng Iglesia sa Sucat at doon ay nagpasya na siyang magpabautismo.

"Sobrang sarap ng pakiramdam ko noong nabautismuhan ako parang may humiwalay sa akin at ngayo'y isang bagong tao na ako na nakapaglilingkod sa Panginoon."

Nang nasumpungan ng kapatd na Rosa ang tunay na pananampalataya ay naranasan niya ang tunay na kagalakan na mapabilang sa tahanan ng Panginoon, kung saan ang kaniyang buhay ay nagugugol sa mga gawaing paglilingkod. Nagpatatag sa kaniyang pananampalataya ang mga turo at aral lalo na ang doktrina ng pagka-apostol ng mahal na Apostol Arsenio T. Ferriol na napatunayan talaga sa Bible.

Sumagana ang pagpapala ng Dios sa kapatid na Rosa. Unti-unting naitaas siya bilang direktor sa kumpanya. Ipinagpasalamat niya ito sa Panginoon sapagkat sa pamamagitan nito'y higit siyang kinasangkapan upang maipangaral ang Salita ng Dios, maging sa mga kasamahan niya sa opisina at mga empleyado.

"Nandiyan yung nakakapag-extension worship na po ako sa mga guard namin. Sa biyaya ng Panginoon marami ng nakatanggap ng kaligtasan at nabautismuhan"

Dahilan sa kaniyang dedikasyon na maitaguyod ang gawain ng Dios, patuloy na ibinahagi niya ang Mabuting Balita sa ibat-ibang mga tao maging sa kaniyang mga kamag-anak. Ang kaniyang laging kahandaan sa paglilingkod lalo na sa pangangaral at pag-aakay ng kaluluwa ay nagbunga ng kaligtasan sa marami kabilang na ang kanyang buong sangbahayan. Higit niyang napatunayan na ang bawat pangyayaring dumarating sa kaniyang buhay ay may dakilang layunin ang Dios sa ikabubuti ng mga nagnanasang paglingkuran Siya.



Related Articles:
Buhay Para Kay Cristo
Lubos na Pagtatalaga
Ningas ng Pagtatalaga





Buhay para kay CRISTO

This is a testimony of  Sis. Julien Boncocan about Ptr. Bong Ferriol of Marikina City. This testimony is one of the examples of the "coming of the evil days - Ecc 12:1" (click the link)
"Remember now thy Creator in the days of your youth while the evil days come not, nor the days draw nigh, when thou shalt say, I have no pleasure in them."
The "evil days" refers to the coming of the sunset in a man's life and the drawing near of death or the slow declination of man's body.
------



"Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalatayang ito'y sa anak ng Dios, na sa akin ay umiibig at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin" - Galacia 2:20

Ang pag-ibig at pagliligtas ni Cristo ay hayag lalo na sa buhay ng bawat mananampalataya sa loob ng tunay na Iglesia. Sa katotohanang ito, marapat lamang na ang ating lakas ay ipaglingkod at italaga ang ating buhay sa Kaniya, Ang pamumuhay ng naaayon sa Kaniyang banal na kaloobam ay isang katunayan ng ating pagsunod at pag-ibig kay Cristo.

Isa na rito ay ang kapatid na Bong Ferriol mula sa lokal ng Marikina. Siya ay lumaki na malusog at very athletic. Sa kabila nito'y isang di-inaasahang pangyayari ang dumating sa buhay niya.

Taong 2009, naramdaman niya na hindi siya makahinga. Dinala siya sa ospital at doon niya natuklasan na siya pala ay mayroong congenital heart disease na kung saan ay mula pa sa sinapupunan ng kaniyang ina ay butas na ang kaniyang puso. Mula noon ay ginagamot siya sa heart center at iba't-ibang uri ng check-up ang kaniyang pinagdaanan. Magmula taong 2009 hanggang 2011 ilang beses na siya'y inatake sa puso.

Taong 2011, buwan ng Mayo habang siya ay nag-eehersisyo para sa paghahanda sa kaniyang nalalapit na operasyon ay muli siyang inatake sa puso. Halos hindi na siya makahinga at tila dumidilim na rin ang kaniyang paningin sa kabila ng naranasang hirap ay pilit na tumingala sa langit, umiyak sa Panginoon at kanyang nasambit,  "Panginoon buhayin mo pa po ako ayaw ko pa po mamatay", napakalaking himala ng Dios sapagkat wala pang 2 segundo ay bumalik sa normal ang kanyang paghinga.

Subalit dahilan sa sunod-sunod na atake sa puso, isang maselang operasyon ang kinakailangan paring isagawa sa kapatid na Bong. Isang uri ng operasyon na maaari niyang ikamatay.

Ayon pa sa kanya "Apat na operasyon ang gagawin sa akin. Una, heart closure. Pangalawa, tatakpan yung butas ng puso ko. Pangatlo, bypass operation sa kanan at kaliwang bahagi ng aking puso. Pang-apat, yung valve ng aking puso ay kinakailangang ayusin.
Tatlo ang doktor ko at bawat bisita ko puro negative ang kanilang approach. Kanilang sinasabi sa akin na,
"Ferriol baka hindi ka na magising". Pati yung anesthesiologist ko ganon din ang sinabi, "Ako ang mag-a-anestisya sa iyo pero maaaring hindi ka na rin magising" dahil yung operasyon sa akin ay apat at medyo mahirap yun."

Araw ng kaniyang operasyon, alas-siyete siya ipinasok sa operating room. Pagpasok niya doon mayroong ipinahid sa likod niya, yun ang huli niyang naalala at siya ay nakatulog na. Nang magising siya ay hinawakan niya ang kaniyang dibdib, may masakit siyang naramdaman at ito ay ang sugat dala ng katatapos pa lamang na operasyon sa kaniya.

"Martes ako natulog at inopera, Miyerkules ng umaga na ako nagising, 24 oras akong tulog. Habang ako ay nagmamasid-masid sa ibang mga pasyente. Madaming mga pasyente doon, may mga plaster na  nakalabas sa may bandang leeg nila. Na-operahan na pala ako, "Praise the Lord! tagumpay ang operasyon, nabuhay ako."

"Nang ako ay inilabas nakita ko na halos yung mga pasyente doon ay naka-stretchers, kapag inililipat naman sa higaan nila ay binubuhat pa. Ako iba, talagang nakita ko ang tulong ng Dios. Nung ako ay ibinalik sa kuwarto, naka wheel chair na ako, nakaupo na ako. Nang ako naman ay lumipat sa higaan ko ako ay naglalakad na. Kaya literal yung mga bantay doon at yung mga pasyente ay nagpapalakpakan. Dumating naman yung doktor ko, kinamusta nila ako at tuwang tuwa naman at nagising na ako. At may sinabi sila sa akin, "alam mo ba nung ikaw ay ma-operahan ay may masamang nangyari sa iyo. Sabi ko, "Dok, ano yun?" Sabi nila, nawala yung kuryente ng puso mo. Ang ibig sabihin, ikaw ay dapat hindi na magigising. Tinanong ko yung mga doktor ko, "Dok anong nangyari nung nawala yung kuryente?". Sabi nila sa akin bumalik. Sabi ko yun ang kapangyarihan ng Dios at panalangin ng mga kapatid, unang-una ang kaniyang mahal na sugong apostol sa Kaniyang Iglesia. 

Isang himala ng Dios ang nangyari sa kapatid na Bong at gayon na lamang ang kaniyang pasasalamat sa ikalawang buhay na bigay sa kaniya ng Dios. Dahilan dito ay itinalaga niyang muli ang kaniyang buhay sa pangangaral ng Mabuting Balita. Pagkatapos ng devotion, pumupunta agad siya sa Marikina fountain at doon nangangaral ng Mabuting Balita. Magmula alas-sais ng umaga hanggang alas onse ng tanghali; kuwatro hanggang alas-nuwebe naman ng gabi. Kaya tuloy-tuloy ang kaniyang ginagawang pangangaral. Doon niya higit na nakita ang tulong ng Dios.

"Ako din kasi noong una ay mahiyain na parang takot na mag-approach sa tao, palaging mayroong pag-aalangan kung ano ang sasabihin ng tao. Pero ngayon, biyaya ng Dios talagang parang normal lang at walang problema."

Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 223 na mga kontaks, may mga bautismo na rin, mayroon na din siyang mga naipanumbalik sa paglilingkod. Marami na ring lumalapit sa kaniyang mga protestants na open for bible study.

Lubos niyang pinasasalamatan ang Dios sa pagpapagaling sa kaniyang sakit at sa pagtulong ng Dios sa kaniyang pangangaral ng evangelio.

Ang ating panahon ay maiksi nalamang at nananatili din ang katotohanang maiksi lamang ang buhay ng tao. Kaya tayo'y magmadali at ating gawin ang pinakamabuting paglilingkod na magagawa natin sa Dios.


Related Articles:
Nasumpungan ang Tamang Paglilingkod
Lubos na Pagtatalaga
Ningas ng Pagtatalaga