This is a testimony of Sis. Julien Boncocan about Ptr. Bong Ferriol of Marikina City. This testimony is one of the examples of the "coming of the evil days - Ecc 12:1" (click the link)
"Remember now thy Creator in the days of your youth while the evil days come not, nor the days draw nigh, when thou shalt say, I have no pleasure in them."
The "evil days" refers to the coming of the sunset in a man's life and the drawing near of death or the slow declination of man's body.
------
"Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalatayang ito'y sa anak ng Dios, na sa akin ay umiibig at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin" - Galacia 2:20
Ang pag-ibig at pagliligtas ni Cristo ay hayag lalo na sa buhay ng bawat mananampalataya sa loob ng tunay na Iglesia. Sa katotohanang ito, marapat lamang na ang ating lakas ay ipaglingkod at italaga ang ating buhay sa Kaniya, Ang pamumuhay ng naaayon sa Kaniyang banal na kaloobam ay isang katunayan ng ating pagsunod at pag-ibig kay Cristo.
Isa na rito ay ang kapatid na Bong Ferriol mula sa lokal ng Marikina. Siya ay lumaki na malusog at very athletic. Sa kabila nito'y isang di-inaasahang pangyayari ang dumating sa buhay niya.
Taong 2009, naramdaman niya na hindi siya makahinga. Dinala siya sa ospital at doon niya natuklasan na siya pala ay mayroong congenital heart disease na kung saan ay mula pa sa sinapupunan ng kaniyang ina ay butas na ang kaniyang puso. Mula noon ay ginagamot siya sa heart center at iba't-ibang uri ng check-up ang kaniyang pinagdaanan. Magmula taong 2009 hanggang 2011 ilang beses na siya'y inatake sa puso.
Taong 2011, buwan ng Mayo habang siya ay nag-eehersisyo para sa paghahanda sa kaniyang nalalapit na operasyon ay muli siyang inatake sa puso. Halos hindi na siya makahinga at tila dumidilim na rin ang kaniyang paningin sa kabila ng naranasang hirap ay pilit na tumingala sa langit, umiyak sa Panginoon at kanyang nasambit, "Panginoon buhayin mo pa po ako ayaw ko pa po mamatay", napakalaking himala ng Dios sapagkat wala pang 2 segundo ay bumalik sa normal ang kanyang paghinga.
Subalit dahilan sa sunod-sunod na atake sa puso, isang maselang operasyon ang kinakailangan paring isagawa sa kapatid na Bong. Isang uri ng operasyon na maaari niyang ikamatay.
Ayon pa sa kanya "Apat na operasyon ang gagawin sa akin. Una, heart closure. Pangalawa, tatakpan yung butas ng puso ko. Pangatlo, bypass operation sa kanan at kaliwang bahagi ng aking puso. Pang-apat, yung valve ng aking puso ay kinakailangang ayusin.
Tatlo ang doktor ko at bawat bisita ko puro negative ang kanilang approach. Kanilang sinasabi sa akin na, "Ferriol baka hindi ka na magising". Pati yung anesthesiologist ko ganon din ang sinabi, "Ako ang mag-a-anestisya sa iyo pero maaaring hindi ka na rin magising" dahil yung operasyon sa akin ay apat at medyo mahirap yun."
Araw ng kaniyang operasyon, alas-siyete siya ipinasok sa operating room. Pagpasok niya doon mayroong ipinahid sa likod niya, yun ang huli niyang naalala at siya ay nakatulog na. Nang magising siya ay hinawakan niya ang kaniyang dibdib, may masakit siyang naramdaman at ito ay ang sugat dala ng katatapos pa lamang na operasyon sa kaniya.
"Martes ako natulog at inopera, Miyerkules ng umaga na ako nagising, 24 oras akong tulog. Habang ako ay nagmamasid-masid sa ibang mga pasyente. Madaming mga pasyente doon, may mga plaster na nakalabas sa may bandang leeg nila. Na-operahan na pala ako, "Praise the Lord! tagumpay ang operasyon, nabuhay ako."
"Nang ako ay inilabas nakita ko na halos yung mga pasyente doon ay naka-stretchers, kapag inililipat naman sa higaan nila ay binubuhat pa. Ako iba, talagang nakita ko ang tulong ng Dios. Nung ako ay ibinalik sa kuwarto, naka wheel chair na ako, nakaupo na ako. Nang ako naman ay lumipat sa higaan ko ako ay naglalakad na. Kaya literal yung mga bantay doon at yung mga pasyente ay nagpapalakpakan. Dumating naman yung doktor ko, kinamusta nila ako at tuwang tuwa naman at nagising na ako. At may sinabi sila sa akin, "alam mo ba nung ikaw ay ma-operahan ay may masamang nangyari sa iyo. Sabi ko, "Dok, ano yun?" Sabi nila, nawala yung kuryente ng puso mo. Ang ibig sabihin, ikaw ay dapat hindi na magigising. Tinanong ko yung mga doktor ko, "Dok anong nangyari nung nawala yung kuryente?". Sabi nila sa akin bumalik. Sabi ko yun ang kapangyarihan ng Dios at panalangin ng mga kapatid, unang-una ang kaniyang mahal na sugong apostol sa Kaniyang Iglesia.
Isang himala ng Dios ang nangyari sa kapatid na Bong at gayon na lamang ang kaniyang pasasalamat sa ikalawang buhay na bigay sa kaniya ng Dios. Dahilan dito ay itinalaga niyang muli ang kaniyang buhay sa pangangaral ng Mabuting Balita. Pagkatapos ng devotion, pumupunta agad siya sa Marikina fountain at doon nangangaral ng Mabuting Balita. Magmula alas-sais ng umaga hanggang alas onse ng tanghali; kuwatro hanggang alas-nuwebe naman ng gabi. Kaya tuloy-tuloy ang kaniyang ginagawang pangangaral. Doon niya higit na nakita ang tulong ng Dios.
"Ako din kasi noong una ay mahiyain na parang takot na mag-approach sa tao, palaging mayroong pag-aalangan kung ano ang sasabihin ng tao. Pero ngayon, biyaya ng Dios talagang parang normal lang at walang problema."
Sa kasalukuyan ay mayroon na siyang 223 na mga kontaks, may mga bautismo na rin, mayroon na din siyang mga naipanumbalik sa paglilingkod. Marami na ring lumalapit sa kaniyang mga protestants na open for bible study.
Lubos niyang pinasasalamatan ang Dios sa pagpapagaling sa kaniyang sakit at sa pagtulong ng Dios sa kaniyang pangangaral ng evangelio.
Ang ating panahon ay maiksi nalamang at nananatili din ang katotohanang maiksi lamang ang buhay ng tao. Kaya tayo'y magmadali at ating gawin ang pinakamabuting paglilingkod na magagawa natin sa Dios.
Related Articles:
Nasumpungan ang Tamang Paglilingkod
Lubos na Pagtatalaga
Ningas ng Pagtatalaga