By: members of PMCC (4th watch)
Si Cristo ang ating tagapagligtas, Siya rin naman ang ating manggagamot. Acts 4:12. "At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas."
BAKIT KAILANGAN NG TAO ANG TAGAPAGLIGTAS?
sapagka't ang tao ay nasa ilalim ng sumpa. Sa Ezekiel 18:20, ang kaluluwang nagkasala ay mamamatay at ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan, Romans 6:23
Si Cristo ang ating tagapagligtas sapagka't Siya ay naparito sa katawang-tao. Dinala Niya ang ating parusa at kamatayan. Siya ay nabuhay na mag-uli. Napagtagumpayan Niya ang diablo at ang kamatayan.
Ngunit bago namatay si Jesus, Siya ay hinatulan ng kamatayan. Siya ay hinampas, inalimura, dinuran, sinugatan at tinulos, Luke 18:32-33.
"Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, luluraan." verse 33, "At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya."
Dinala Niya ang ating kamatayan sa Kaniyang kamatayan. Sa Kaniyang mga sugat at mga latay ay nagsigaling tayo. Kaya't ang ating Tagapagligtas ay Siya ring ating manggagamot.
KAILAN ANG TAO MALILIGTAS?
Ang sabi sa 2 Corinthians 6:1-2, "(Sapagka't sinabi Niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito ngayon ang araw ng kaligtasan)."
Ang araw na ang Dios ay gumagawa ng pangangaral ng Kaniyang mga salita gaya ng ginawa ni Cristo, ang taong sumampalataya sa araw na iyon ay may kaligtasan. Ito rin ang sinasabi sa book of Acts 16:31. "At kanilang sinabi, Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sangbahayan."
KAILAN KA RIN GAGALING?
Sa oras ng ikaw ay sumampalataya, ikaw at gagaling. Sapagka't inako ni Cristo ang ating kasalanan at ang ating mga karamdaman. Bago Siya mamatay, nagtiis Siya ng mga sugat para sa ating kagalingan. Kaya't sinasabi ng Kasulatan na ang alipin ng senturion ay may karamdaman, Luke 7:8. Ngunit nung tanggapin niya at sampalatayanan ang Panginoong Jesus, pagdating niya sa kanilang bahay sapagka't siya ay sumampalataya, ang kanyang alipin ay magaling na, Luke 7:10
Sa araw ng kaligtasan, siya ring oras ng iyong kagalingan kapag ikaw ay sumampalataya. Si Jesus ay nangaral ng kaligtasan. Habang Siya ay nangangaral ng kaligtasan, Siya ay nagpapatawad ng ating mga kasalanan, Mark 2:5. "At pagkakita ni Jesus sa kanilang pananampalataya ay sinabi sa lumpo, Anak, ipinatatawad ang iyong mga kasalanan." Ang pinatawad ng kasalanan ay pinagaling at ang lumpo at nagtindig at lumakad, Mark 2:11-12. "Sa iyo ko sinasabi, magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at umuwi ka sa bahay mo." Verse 12, "At nagtindig siya, at pagdaka'y binuhat ang higaan, at yumaon sa harap nilang lahat; ano pa't nangagtaka silang lahat, at niluwalhati nila ang Dios, na nangagsasabi, Kailan ma'y hindi tayo nakakita ng ganito."
Sa pangangaral ng ating Panginoong Jesucristo, Siya ay nagpapagaling, Matthew 8:16-17. Sa kaniyang pangangaral, ang mga sumasampalataya ay binibigyan Niya ng kaligtasan at kagalingan sapagka't ito ang nasusulat sa Salita ng Dios tungkol sa Kaniyang ministeryo. Ang ministeryo ni Cristo ay iligtas ka sa araw ng ikaw ay sumampalataya, pagalingin ka sa araw na ikaw ay sumampalataya.
Purihin ang Panginoon.