By: Bishop Osie Quillao
Ang Panginoong JesuCristo ay mayroong kabigatan na ang mga tupa ay makaakay ng Kaniyang kawan (Juan 10:16). Ang kawan ay ang iglesia ng Panginoon (Gawa 20:28). Si Apostol Pablo naman ay nagpahayag na tayo ay nasa gitna ng pakikipagbakang hindi sa laman at dugo kundi sa espiritu (Efeso 6:12) at ang mga sandata ng pakikilaban ay hindi ukol sa laman (2 Corinto 10:4-5).
Pagkatanggap ng kaligtasan, tayo ay nasa panig na ng Dios. Nangangahulugan ito na kaaway na natin ang Diablo. Ang mga moog ni Satanas sa isip ng tao ay kailangang gibain upang ang tao ay madala sa pagtalima kay Cristo. Ang pag-aakay ng mga kaluluwa ay kalooban ng Dios. Ito ay inuutos at ginawa mismo ni JesuCristo. Ang mga apostol at alagad sa unang iglesia ay may paninindigan na ilapit ang mga tao kay Cristo.
Sa Kawakasan ng Huling Araw, si Apostol Arsenio T. Ferriol ay ipinagpapatuloy ang gawaing pinasimulan nila Jesus, ng mga apostol at unang Cristiano. Ang gawaing ito ay matatapos sa ating panahon - ang 4th Watch - na susundan ng Dakilang Kapighatian. Kaya kung mayroong panahon na dapat tayo ay kumilos, ito ay ngayon sa ating kapanahunan.
ANO ANG MGA KATANGIAN NG ISANG EPEKTIBONG TAGAPAG-AKAY NG MGA TAO PARA KAY CRISTO?
1. May Kapakumbabaan
Alang-alang sa evangelismo, anuman ang ating katayuan o kalagayan sa buhay, ibaba natin ang ating sarili. Ang kapakumbabaan ay napakahalagang katangian na dapat nating taglayin upang tayo ay makapagwagi ng mga kaluluwa sa Panginoon.
Kailangang ma[agtagumpayan natin ang ating hiya (Roma 1:16). Huwag natin katakutan ang pula ng mga tao (Isaias 51:7). Ating alalahanin ang sabi ng ating Panginoon na walang propetang dakila sa kaniyang bayan (Marcos 6:4; Juan 4:44). Idinagdag pa ni Jesus na ikakahiya Niya sa Ama ang mga taong ikinahiya Siya at ang Kaniyang mga salita (Marcos 8:38). Makikita sa Lucas 6:46 na hindi kinilala ng Panginoon ang mga nagsisitawag sa Kanya na hindi gumawa ng Kaniyang kalooban. Hindi nagbibiro ang Panginoon sa kanyang salita. Sa biyaya ng Dios, ito ang gumagabay sa atin na laging ipangaral ang evangelio. Kahit nag-iisa man sa biyahe, nakikilos pa rin na ipangaral ang evangelio. Kahit nag-iisa man sa biyahe, nakikilos pa rin na ipangaral ang evangelio sa paliparan.
Ang kapakumbabaan ay nangangahulugan ngkahandaang sumunod. Akala ng ilan na ang mapagpakumbabaay siyang nasa isang sulok at walang kibo. Ating sundin ang payo ni Jesus na magpakatalino gaya ng serpente ngunit magpakumbaba gaya ng kalapati (Mateo 10:16). Kalooban ng Dios na ipangaral natin ang Kaniyang salita. Ang nais naman ng diablo ay manahimik tayo at ipagkait ang evangelio sa mga tao. Ang tanda ng ating kapakumbabaan sa paglilingkod sa Panginoon ay ang ating pagsunod. Ang di-pagsunod ay pagmamataas. Si JesuCristo mismo ang nagturo at naging halimbawa ng pagpapakababa (Mateo 20:27-28). Ating nasain na magkaroon ng pag-iisip gaya kay Cristo (Filipos 2:5-6).
Ang nagpapakumbaba ay binigyan ng biyaya (Kawikaan 3:34; Santiago 4:6; 1 Pedro 5:5). Kayamanan, karangalan, at buhay ang ganti sa kapakumbabaan (Kawikaan 22:4). Kung nais nating maranasan ang biyaya ng Dios ay magpakababa tayo. Magpatotoo tayo ng evangelio kahit na anong gawin sa atin, alang-alang kay Cristo. Gaya ng wika ni Juan Bautista.
"Siya'y kinakailangang dumakila, ngunit ako'y kinakailangang bumaba." - Juan 3:30
"Sapagkat bagaman ako ay malaya sa lahat ng mga tao, ay napaalipin ako sa lahat, upang ako'y makahikayat ng lalong marami." - 1 Corinto 9:19
Wika ni Apostol Pablo na isa ring huwaran sa pagpapakababa. Si Apostol Pablo ay mataas ang pinag-aralan ngunit ibinaba niya ang sarili alang-alang sa paghihikayat sa mga tao. Sa kaniyang pagtatanggol sa pananampalataya ay tinawag siayng mangmang (Gawa 26:24-25). Siya ay nagpatotoo kahit kasalukuyang isinasakdal sa harao ni Haring Agripa (Gawa 26:28-29). Mapapansin din natin na nakibagay si Apostol Pablo sa kaniyang maraming pakikitungo (1 Corinto 9:20-23).
2. May Kahabagan
Ito ay ipinakita ni Jesus ng Kaniyang nakita ang mga tao na gaya ng tupa na walang pastor (Marcos 6:34). Siya ay nahabag sa kanila. Kailangang tayong magkaroon ng pag-ibig at pagkahabag sa ating kapwa. Kailangan nila ang kaligtasan. Kung hindi natin sila mapatotohanan at maakay sa Panginoon, sila ay mapapahamak. Iligtas natin silang nangadala sa kamatayan at handang patayin (Kawikaan 24:11). Atin silang agawin mula sa apoy (Judas 1:23).
3. Maging Sincere o Sinsero
Ang ating pagiging sinsiro ay nag-aakay sa atin na maging tapat. Sa sinabi ni Apostol Pablo sa Filipos 1:21-24, makikita natin ang kaniyang sinseridad. Ang tapat na paglilingkod ni Apostol Arsenio Ferriol ay dapat ding mag-akay sa atin upang maging sinsiro sa ating paglilingkod. Tayo ay makiisa sa mga programa sa loob ng iglesia. Maging tapat din tayo sa pagkakaloob sapagkat alom natin na ito ay para sa pagmimisyon. Kapag tayo ay sinsiro, tayo ay magtitiyaga. Sa 2 Timoteo 2:1-6 ay inilarawan ang 3 kalagayan (kawal, manlalaro, at magsasaka) na kakikitaan ng disiplina at pagtitiyaga. Biyaya ng Dios ay personal nating karanasan ang pagtitiyaga sa pangangaral na ginagawa sa Luneta. Sa matagal na pangangaral dito ay maraming tao na ang nakatanggap ng kaligtasan.
4. Maging Mapanampalatayanin
Wala tayong dahilan upang hindi manampalataya sa Dios. Si Jesus ay pinagsasabihan ang mga makukupad na manampalataya (Lucas 24:25). Dapat nating tandaan na ang Dios ay hindi nagsisinungaling (Hebrews 6:17-18) at lahat ng Kaniyang sinalita ay gagawin Niya (Bilang 23:19). Ang Dios ay hindi napabibiro (Galacia 6:7) at ang Kaniyang sinalita ay katotohanan (Juan 17:17). Wika ni Jesus, :Ang hindi sumasa akin ay laban sa akin; at ang hindi nagiimpok na kasama ko ay nagsasambulat,"(Mateo 12:30). Ang hindi tapat sa ipinagkatiwala, ang hindi nananampalataya ay babaakin (Mateo 24:50-51).
5. Magkaroon Ng Bold Vision o Pangitain
Maraming mga dakilang bagay at tagumpay ng tao ang nag-umpisa sa isang pangitain. Halimbawa nito si Walt Disney na nag-umpisa lamang sa simpleng hangarin na magdala ng kasayahan sa mga tao. Hanggang ngayon ay isang malaking media company na ang Wlat Disney na ipinangalan sa kanya. Dagdag pa rito ang mga Disneyland sa ibat-ibang bansa. Isa pang halimbawa sina Orville at Wilbur Wright na nagkaroon ng hangaring makalipad. Nagkaroon ng katuparan ang kanilang pangitain at sila ngayon ang kinikilalang imbentor ng eroplano.
"Sapagkat ang pangitain ay sa panahong takda pa, at nagmamadali sa pagkatapos, at hindi magbubulaan: bagaman nagluluwat ay hintayin mo; sapagka't walang pagsalang darating, hindi magtatagal. Narito, ang kaniyang kaluluwa ay nagpapalalo, hindi tapat sa kaniya; ngunit ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan ng kaniyang pananampalataya." - Habacuc 2:2