page

9/28/13

SALVATION

By: members of PMCC (4th watch)


Ang kaligtasan ay pagtanggap ng buong puso sa ating Panginoong Jesu-Cristo na Siya ang ibinigay ng Dios para sa iyong kasalanan, Siya ang nagdusa, Siya ang namatay (Romans 10:9-10)

Samakatuwid ikaw ay ligtas na kung may nagbayad sa iyong mga kasalanan, kung may nagligtas sa iyo sa kaparusahan, Romans 8:1,
Ngayon nga'y wala nang anomang hatol sa mga na kay Cristo Jesus."

Ngunit ikaw ay nangngailangan ng kaligtasan sapagkat ikaw ay may parusang dapat bayaran.


ANO ANG DAPAT O KAILANGAN MONG PAGBAYARAN?
Ang iyong mga kasalanan (Romans 3:23)

MERON BANG TAONG HINDI NAGKASALA?
Wala, sapagkat lahat ay nagkasala (Romans 3:23)
Ibigsabihin, lahat ng tao ay may dapat bayaran.

PAANO KUNG HINDI KA MAKABAYAD?
Ikaw ay tatanggap ng kaparusahan, Bunga ng iyong kasalanan ay may babayaran ka, paparusahan ka.

PARUSA?
Ang kaparusahan sa Hades o sa impierno, ang dakong hindi pwedeng matulungan ang tao (Luke 16:26).
Ang halimbawa nito ay mababasa natin sa Luke 16:22-23, ang mayaman na nabuhay sa kasalanan. Siya ay nagdusa sa Hades. Sya ay ibinulid sa apoy, at doon ay hindi sya matutulungan (Luke 16:25-26).

PAANO KA MALILIGTAS?
Sa pamamagitan ng "biyaya/ Grace" ng Dios.

BIYAYA?
Kaloob, walang bayad o kapalit.
Si Cristo ay ibinigay sa iyo ng walang anumang kapalit (John 3:16). At kung tanggapin mo si Cristo (Ephesians 1:7), magkakaroon ka ng kapatawaran at katubusan sa iyong mga kasalanan.

ANO ANG MALILIGTAS SA IYO?
Maliligtas ang iyong kaluluwa sa kapahamakan sa impierno (Ezekiel 18:20, Revelation 20:15).
Sapagka't ang na kay Cristo ay wala nang kahatulan. Ito ang layunin kung bakit namin ipinapangaral ang evangelio sa lahat ng tao, upang ang kaluluwa ng tao ay hindi na mapaparusahan sa impierno (1 Peter 1:9).
At kung sakaling mamatay man sa pisikal na kalagayan, sa muling pagdating ni Cristo, ikaw ay bubuhaying muli (Romans 8:23, 1 Thessalonians 4:16).

Ang katawan at kaluluwa ay ligtas na sa parusa. Ito ay "biyaya / grace" mula sa Dios (Ephesians 2:8).
IKAW AY MAY BUHAY NA WALANG HANGGAN.