by: Bishop Resting Zonio
"At narito ipapadala ko sa inyo ang pangako ng aking Ama, datapwat magsipanatili kayo sa bayan hangang sa kayo'y masankapan ng kapangyarihang galing sa itaas." - Lucas 24:49
Ito ang nais ng Dios, na sangkapan tayo ng kapangyarihang galing sa itaas. Ito ay tumutukoy sa pangangailangan nating espiritual at alam natin ang tinutukoy sa talatang ito. Kapag ating nadinig ang salitang "Pentecostes" nadarama natin ang napakalaking kahulugan nito. Ang ibig sabihin ay ang "pagbibigay ng kapangyarihan sa mga unang Cristiano". At hangang sa ating panahon ang pagsasangkap ng Dios sa atin ng kapangyarihan ay sa iisang layunin.
"Datapwat tatangapin ninyo ang kapangyarihan pagdating sa inyo ng Espirito Santo at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria at hangang sa kahulihulihang hanganan ng lupa." - Gawa 1:8
Ang layunin ng pagsasangkap sa atin ng kapangyarihang mula sa itaas ay upang makapangaral ng may katapangan at pagmamadali sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya. Sabi ni Apostol Pablo sa pangangaral dapat ay lagi tayong handa. Sa Roma 1:15-16,
"Kaya nga saganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nasa Roma. Sapagkat hindi ko ikinahihiya ang evangelio sapagkat syang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawat sumasampalataya."
Si Apostol Pablo ay laging handa kaya sabi nya sa panahon o sa hindi panahon ay ipangangaral ang evangelio. Ibig sabihin, may kaluwagan o may kagipitan man, may hadlang o wala man dapat ang evangelio ay maipangaral sa mga tao.
Ang pangangaral ay hindi naman mahirap, ngunit bakit hindi pa rin maisagawa? Sapagkat ang kulang ay ang kapangyarihang sangkap galing sa itaas. Kaya maging sa panahon ng pasimula ng Bagong Tipan alam ng Panginoon ang sitwasyon ng mga alagad kaya sinabi Niya na "hintayin ninyo."
"Na sa kanila nama'y napakita rin siyang buhay, sa pamamagitan ng maraming katunayan, pagkatapos na sya'y makipaghirap, na napakita sa kanila sa loob ng apat na pung araw, at magpahayag ng mga bagay tungkol sa kaharian ng Dios. At palibhasa'y nakikipag pulong sa kanila, ay ipinagutos niya sa kanila na huwag silang magsialis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, na sinasabi nang narinig ninyo sa akin. Sapagkat tunay na si Juan ay nagbautismo ng tubig; datapwat kayo'y babautismuhan sa Espiritu Santo na di na malalaunan pa." - Gawa 1:3-5
Ang bilin ng Panginoon sa mga alagad noon ay hintayin ang Espiritu Santo na ibubuhos na ipinangako ng Ama na tatangapin ng mga alagad. At sabi ng Panginoong Jesucristo
"Datapwat tatangapin ninyo ang kapangyarihan pagdating sa inyo ng Espirito Santo at kayo'y maging mga saksi ko sa Jerusalem..." - Gawa 1:8
Ibig sabihin, magiging makapangyarihan silang tagapangaral at saksi ng salita hangang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. At tayo sa Iglesia sa ikaapat ng pagpupuyat ang inaasahan ng Dios upang tapusin sa makapangyarihang pagsasagawa ang pagpapatotoo ng evangelio ng Panginoon.
Kaya nga nakalulungkot kung ang mga alagad ng Panginoon ay masumpungang walang gana o kasiglahan sa pagsasagawa ng misyon. Gayong ang binilinan ay ang mga apostol at mga alagad noon na kasama ng mga apostol. Ang sabi sa 1 Corinthians 15:5-6,
"At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa; Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nangabuhay hanggang ngayon, datapwat ang mga iba'y nangatulog na."
Ang inutusan na maghintay para sa kapuspusan ng Espiritu Santo o ng kapangyarihang mula sa itaas ay nasa limang daan ang bilang. Ngunit isangdaan at dalawampu lamang ang talagang matiyagang nakapaghintay. Kaya ang sabi ng Panginoon."...ang mga puso ay makukupad sa pananmpalataya sa salita ng mga propeta" (Lucas 24:45). Ang paghihintay sa kapangyarihan ng Espiritu ay una sa pananampalataya. Kaya nga hindi dapat na makupad ang ating puso sa pananampalataya. Buksan natin ito sa pananampalataya sa salita ng mga sugo ng Dios.
"At kami'y mga saksi ng mga bagay ng ito; at gayon din ang Espiritu Santo, na siyang ibinigay ng Dios sa nagsisitalima sa kaniya." - Gawa 5:32
Kanino ibibigay ang Espiritu Santo na syang kapangyarihan na sasangkap sa atin? Doon sa mga nagsitalima, sa may pusong mababa at sa may kaisipan ng pagsunod sapagkat, ang pakikisama sa sugo ng Dios ay pakikisama sa Anak.
May malaking bahagi sa pagtangap ng Espiritu ang pagtataglay ng kaisipan ng laging makinig ng salita ng Dios. Sa ganito, magiging makapangyarihan tayong mga saksi ng evangelio araw-araw hangang sa dumating si Jesucristo. Ang 120 alagad ay may dagliang pagsunod sa bilin at mayroong pagkikisama sa sugo ng Dios. Handa rin silang tumanggap ng tungkulin mula sa Panginoon.
"At sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang. Upang tangapin ang katungkulan sa ministeryong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas..." - Gawa 1:24
Sa talatang ito ay ipinakita na ang dalawang alagad ay handang tumangap ng tungkulin.Wala silang paghindi. Ganito ang dapat din nating maging pagpapahalaga upang tayo ay tumanggap ng kapangyarihan ng Espiritu. Naisin natin na magawa ang mga gawain sa loob ng Iglesia. Naisin din natin na magkaroon ng mga tungkulin sa gawain ng Panginoon. Ang Espiritu ay nananatiling nanahan sa alagad na hindi natatakot gumanap ng kanyang katungkulian.
Kung ang 120 alagad noon ay tumanggap ng kapuspusang mula sa itaas, tayo man ngayon na dinatnan ng wakas ng mga panahon ay may katiyakan ng palagiang pakikisama ng Espiritu ng Panginoon. Ang kanilang pagtalima sa Kanyang mga salita at sya ring pagtalima natin sa Kanyang mga sugo sa kasalukuyan. Hindi sila natakot o nagpapahadlang bagamat sila ay inuusig. Tayo rin ay hindi dapat napahahadlang bagamat sila ay inuusig. Tayo rin ay hindi dapat napahahadlang sa takot kahit sa ano pa mang kadahilanan. Araw-araw tulad nila, ang ating mga paghayo at pangangaral ay sinasaksihan ng mga tao. Hatid natin ay pagpapala sa buhay ng marami. Sila noon ay nakilala, binago nila ang kultura ng sanglibutan. Ito ay naging kultura ng Kristiyanismo. Tayo ay hindi naiiba sa kanila, taglay natin ang kapangyarihan, taglay natin ang Espiritu ng Panginoon. At ang pinakamaganda, gaya ng wika sa Santiago 5:7
"Mangagtiis nga kayo mga kapatid, hangang sa pagparito ng Panginoon. Narito inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis hangang sa tangapin ang ulang maaga at huli."
Ang pangako ng Panginonn ay tatangapin ng mga mananampalataya ng mayroong katangiang gaya ng mga alagad sa araw ng Pentecostes sapagkat ang kaloob at pagtawag ng Dios ay hindi nagbabago. Sa liwanang ng salita ng Dios nililinis ang ating mga puso at damdamin upang maging angkop na sisidlan at handang gamitin ng Panginoon sa Kayang dakilang gawain.