- By: Bishop Art Ferriol
Ang paunang layunin ng Dios nang tayo'y Kaniyang tawagin ay maging mga saksi tayo. Gaya ng sinasabi sa Acts 1:8, "...at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa." Kaya kapag tayo ay napupuspos ng Banal na Espiritu, tunay na tayo ay maging mga saksi na may Dios na buhay. Samakatuwid, ginawa tayong mga saksi ng Dios.
Ang plano talaga ng Dios sa pasimula pa lamang ang tao ay maging patotoo at kapahayagan na may Dios na buhay, maibigin, at nagbabago ng buhay. Kaya nilalang ng Dios ang tao ayon sa Kaniyang wangis. Ngunit ito ay pinalabo o dinungisan ng kasalanan.
Maging sa Lumang Tipan ay mapapansin na ang layunin sa pagkatawag sa Israel ay upang magkaroon ng saksi ang Dios.
"Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod na aking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko." - Isaias 43:10
Sa Bagong Tipan naman ang Iglesia ang saksi ni Jesus. Kaya ang unang ginagawa ng Dios para maging saksi tayo ay binabago ang ating buhay. Kaya hindi ka makapagpapatotoo kung hindi ka nabago.
Bakit natin kinakailangang ipamuhay ang pag-eevangelismo? Kung babalikan natin ang pangako ng Dios sa Juan 4:14, "Datapuwa't ang sinomang umiinom ng tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay hindi mauuhaw magpakailan man; nguni't ang tubig na sa kaniya'y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggang." Kaya kapag natanggap mo itong buhay na walang hanggan o ang kaligtasan, ito ay magiging katulad ng isang balon. At ang isang "bukal" dyan ay ang salita ng pagpapatotoo, unang-una na sa iyong buhay dapat makita na ikaw ay nabago.
Ang buhay na walang hanggan kapag nasa tao ay magiging parang bukal. Magiging natural para sa'yo ang magsalita at magpatotoo. Isang halimbawa nito ay ang unang Iglesia, sa Gawa 4:18-20, sila ay binalaan na huwag magpatotoo ng patungkol kay Jesus ngunit hindi sila tumigil,
"At sila'y tinawag nila, at binalaan sila, na sa anomang paraan ay huwag silang magsipagsalita ni magsipagturo tungkol sa pangalan ni Jesus. Datapuwa't si Pedro at si Juan ay nagsisagot at nagsipagsabi sa kanila, Kung katuwiran sa paningin ng Dios na makinig muna sa inyo kay sa Dios, inyong hatulan: Sapagka't hindi mangyayaring di namin salitain ang mga bagay na aming nangakita at nangarinig."
Kapag ang buhay na walang hanggan ay sagana at tunay sa atin, hindi tayo mapipigilan sa pagpapatotoo. Gaya ng isang bukal o balon, ang tubig ay patuloy na dadaloy. Kaya kapag tayo ay nakaranas ng kabutihan ng Dios, hindi na kailangan ng malalimang pag-aaral para ipatotoo ang kabutihang ito.
Sapagkat ang sabi ng Panginoon ng buhay na ating tatanggapin ay magiging gaya ng balon ng tubig na bubukal sa kabuhayang walang hanggan. Sa isang banda, pwedeng maging katanungan natin bakit wala nang dumadaloy o bakit hindi na kusa ang pagpapatotoo natin. Ito'y marahil ang bukal ng buhay na walang hanggan ay natuyo na. Sa ganitong kalagayan, anong maaari nating gawin? Magsisi at lumapit tayo sa Panginoon. Pag-ibayuhin natin ang ating karanasan at kaugnayan sa Kanya.
Kapag ang tao ay nanlamig sa Panginoon, iyan pala ay sadya. Gaya ng sinasabi sa Apocalipsis 2:4, "Nguni't mayroon aking laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig." Maaaring ang kadahilanan ay ang personal na kahinaan ng tao. Halimbawa ang mga katamaran o ang mga pita sa laman. Minsan ay kailangan ng taong pumili sa pagitan ng mga ito at ng unang pag-ibig sa Dios. At dahil sa likas na mahina ang tao, minsan ay iniiwanan ang pag-ibig sa Dios. Kaya sa kasalanan laging responsible ang taong nagkasala. Sapagkat iyan ay kaniyang pinili. At kapag nawala na nga 'yang pag-ibig, wala ng salita.
Kaya sa Panginoon, ang pagiging saksi ay dapat na maging bahagi na ng buhay nating mga mananampalataya at tumanggap ng kaligtasan.
Ang pagpapatotoo ay kapahayagan ng kapuspusan ng Banal na Espiritu. Patunay na ang Espiritu ay nasa atin sabi sa John 16:13-14,
Kaya kapag ang espiritu ay nasa ating puso, magpapatotoo ito sa ikaluluwalhati ng pangalan ng Dios at hindi ng ating sarili. Magsasalita tayo palagi tungkol sa Panginoon, sa Kanyang kabutihan, sa Kanyang katapatan, sa Kanyang awa at tulong sa atin. Kaya magiging natural ang magpatotoo.
Mahahayag ang kasaganaan ng Banal na Espiritu na nasa atin. Kaya nga mapapansin natin ang unang iglesia, kung bakit nila naipahayag ang salita ng Dios na may katapangan (Gawa 4:31), ito ay dahil sa sila ay puspos ng Banal na Espiritu. Kaya ang pagpapatotoo ng evangelio ay ang kapahayagan ng banal na espiritu sa atin. Kung ikaw ay natatakot o nahihiyang magpatotoo, wala sa iyo ang Banal na Espiritu.
Bakit pa natin kailangang magpatotoo? Sapagkat nalalaman natin ang pagkatakot sa Panginoon,
Palagi nating naiisip ang Dios bilang Dios na maibigin. Ngunit dapat din nating malaman ang Dios ay may kabagsikan gaya ng pahayag sa Lucas 19:27, "Datapuwa't itong aking mga kaaway, na ayaw na ako'y maghari sa kanila, ay dalhin ninyo rito, at patayin ninyo sila sa harapan ko." Maging ang impiyerno ay kapahayagan na ang Dios ay mabagsik.
Kaya bakit natin kailangang hikayatin ang tao? Sapagkat kung hindi sila maniwala sa evangelio, sila ay pupunta sa impiyerno. Kaya nga ang sabi "At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman." - Judas 1:23
* Bakit pa kailangan ang pagpapatotoo ay maging paraan ng pamumuhay? Sapagkat itinalaga tayo ng Dios na maging tagapagbantay.
* At sino ang mga babantayan natin? Ang mga taong hindi pa sumasampalataya sa Panginoon.
* Bilang mga bantay ano ang ating tungkulin? Ang bigyan sila ng babala patungkol sa darating na paghuhukom. Kaya ito ay ating pananagutan sa Dios, ang bigyang babala ang mga taong hindi pa sumasampalataya. Lalo na ang mga taong malalapit sa atin. Sa tungkuling ito, huwag nating biguin ang Dios dahil mabigat ang parusa. Hahanapin ng Dios ang dugo ng mga taong malapit sa atin na hindi natin pinatotohanan ng salita ng Panginoon.
Kaya gaya ng sabi sa Mark 16:20, "At nagsialis sila, at nagsipangaral sa lahat ng dako, na gumagawang kasama nila ang Panginoon, at pinatototohanan ang salita sa pamamagitan ng mga tandang kalakip. Siya nawa." Kapag handa kang gawin ang utos ng Dios, sasamahan ka ng Dios. At kung hindi ka kikilos, hindi rin kikilos ang Dios. Sa mga pagsunod makikita ang gawa ng Dios sa ating buhay.

"Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating. Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag."
Kaya kapag ang espiritu ay nasa ating puso, magpapatotoo ito sa ikaluluwalhati ng pangalan ng Dios at hindi ng ating sarili. Magsasalita tayo palagi tungkol sa Panginoon, sa Kanyang kabutihan, sa Kanyang katapatan, sa Kanyang awa at tulong sa atin. Kaya magiging natural ang magpatotoo.
Mahahayag ang kasaganaan ng Banal na Espiritu na nasa atin. Kaya nga mapapansin natin ang unang iglesia, kung bakit nila naipahayag ang salita ng Dios na may katapangan (Gawa 4:31), ito ay dahil sa sila ay puspos ng Banal na Espiritu. Kaya ang pagpapatotoo ng evangelio ay ang kapahayagan ng banal na espiritu sa atin. Kung ikaw ay natatakot o nahihiyang magpatotoo, wala sa iyo ang Banal na Espiritu.
Bakit pa natin kailangang magpatotoo? Sapagkat nalalaman natin ang pagkatakot sa Panginoon,
"Yamang nalalaman nga ang pagkatakot sa Panginoon, ay aming hinihikayat ang mga tao, nguni't kami ay nangahahayag sa Dios; at inaasahan ko na kami ay nangahayag din naman sa inyong mga budhi." - 2 Corinto 5:11