page

10/18/13

Sino ang Kausap ni Moises sa Nagniningas na Puno?

image taken from yahoo.com
By: members of PMCC 4th watch


Ang Dios na pinaglingkuran ni Moises ay si Jehova. Ang Dios ay nagpakita, kumausap at nagpakilala sa kaniya.

At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova. At ako'y napakita kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangayarihan sa lahat; ngunit sa pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila. - Exodo 6:2-3

Mapapansin din natin na itong si Jehova ay nagpakilala rin kay Abraham, Isaac at kay Jacob ngunit nagpakilala siya sa kanila sa pangalang Dios na Makapangyarihan sa lahat.

At nang si Abraham ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y sibabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat, lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. - Genesis 17:1

Ang pangalang "Dios na Makapangyarihan sa lahat", kung isalin sa wikang Ingles, ay "Almighty God". Ito naman ay tinatawag na "El Shaddai" ayon sa Hebrew Bible Dictionary. Kaya itong nagpakilala kay Moises bilang Jehova ay siya ring Dios na nagpakilala kay Abraham, Isaac at Jacob bilang "El Shaddai" pagdating naman ng bagong tipan, itong si Jehova ay ang Panginoong Jesuscristo sapagkat ang Biblia ay nagsasabi na itong Dios na pinaglilingkuran ni Moises ay ang ating Panginoong Jesucristo.

Sa pananampalataya, nang lumaki na si Moises, ay tumangging siya'y tawaging anak ng anak na babae ni Farao; Na pinili pa ang siya'y tampalasanin na kasama ng bayan ng Dios, kaysa magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala;
Na inaring malaking kayamanan ang kadustahan ni Cristo, kaysa kayamanan ng Egipto: sapagkat ang kaniyang tinitigan ang gantingpalang kabayaran. - Hebreo 11:24-26

Samakatuwid, ang Dios na pinaglilinguran ni Moises ay si Cristo dahil ang mga pagtitiis at mga paghamak na kaniyang naranasan ay inari niyang isang malaking kayamanan dahit ito ay para kay Cristo.

Si Apostol Pablo naman ay nagsasabing ang Dios na sumubaybay kay Moises at sa bayan ng Israel nang sila'y umiikot sa ilang ay walang iba kundi si Cristo. Sinusubaybayan ni Cristo sila Moises bilang isang haliging apoy sa gabi, haliging ulap kung araw at kapag walang tubig sa disyerto, siya ang nagbibigay ng tubig sa pamamagitan ng bato. Sino itong batong ito?

At lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagkat nagsisiinom sa batong ayon sa espiritu ba sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo. - 1 Corinto 10:4

Samakatuwid, ang Dios na sumubaybay sa kanila sa ilang sa loob ng 40 taon ay walang iba kundi si Jehova, ang Dios na naparito nang Bagong Tipan na walang iba kundi ang ating Panginoong Jesuscristo. Kaya ang Dios na nakausap ni Moises, na nagpakilalang Jehova, ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo.