Ayon sa John 17:17, ang katotohanan ay ang mga Salita ng Dios. Ito ang nagdadala sa atin sa pamumuhay na may kabanalan sa Dios. Bakit? Sapagkat ito ang nagpapalaya sa atin sa pagkaalipin sa kasalanan.
"At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ay magpapalaya sa inyo." - John 8:32
Ngunit pag matakpan ang katotohanan sa pang-unawa ng tao ay masasadlak ng lubusan sa pagkaalipin at sa kapangyarihan ng kasalanan. Walang makapagpalaya sa kanila sapagkat taning katotohanan lamang ang makakagawa ng tunay nakalayaan.
"Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya." - John 8:36
Ito ang pahayag ng Panginoong Jesuscristo sapagkat Siya ang tagapagdala ng katotohanan na siyang Salita ng Dios.
"Sapagkat napakita ang biyaya ng Dios, na may dalang kaligtasan sa lahat ng mga tao, na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sakalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito." - Tito 2:11:12
Kaya si Cristo ang nagdala sa atin ng buong katotohanan. Ito ay sa pamamagitan ng Kaniyang pangangaral at pagtuturo ng Salita ng Dios.
"At nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinaggagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman." - Matthew 9:35
Sa ganiton ay inihatid ni Cristo ang buong katotohanan sa lahat ng mga tao sa kaniyang panahon. Ano ang kahulugan nito?
"Mga kapatid, mga anak ng lahi ni Abraham, at an gmga sa inyo'y nangatatakot sa Dios, sa atin ipinadadala ang Salita ng Kaligtasanng ito," - Acts 13:26
Itong pangangaral at pagtuturo ng evangelio ay pagpapadala pala ng kaligtasan sa mga tao. At ang Dios ay hindi nagkukulang sa Kaniyang tungkulin sa pagpapadala nitong mga mangangaral. Kaya ang sabi sa Luke 11:49:
"Kaya nga, sinsabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako saknila ng mga propeta at mga apostol: at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin."
Patuloy na magbabangon ang Dios ng mga tunay na mangangaral. Sapagkat ang pagkasabi: magsusugo. Ginawa, ginagawa, at gagawin ng Dios, ayon sa kaniyang karunungan angpagsusugo, ito ang dahilang panukala ng Dios sa ikaliligtas ng mga tao. Isa pang bagay ang atin mapapasin, ayon sa Amos 3:7. Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin kundi kaniyang ihahayag anglihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta. Angpatuloy ding pagpapahayag ng Dios ng kaniyang mga hiwaga, sa Kaniyang mga sugo upang ipangaral sa mga tao. Ito ang sabi;
"Kung tunay na inyong narinig yaong pagiging katiwala sa biyaya ng Dios na sa Akin ay ibinigay sa ikagagaling ninyo." - Ephesians 3:2
Kaya sa kanila ipinagkatiwala ng Dios ang hiwaga ng engelio upang ipangaral. Kaya ang sabi din ni Pablo sa Galacia 2:7;
"Kundi bagkus, nang makita nila na sa akin ay ipinagkatiwala ang evanglegio ng di-pagtutuli, gaya rin naman ng pagkaktiwala kay Pedro ng evangelio ng pagtutuli."
Maliwanag kung ganon, na ang makapapangaral lamang ng buong katotohanan ay ang mga apostol kahit sa ating kapanahunan. Ano ang ating dapat gawin?
"Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat ng karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa." - Santiago 1:21
Dapat pala nating tanggapin ang mga salitang ipinapangaral ng mga Sugo ng Dios. Pero kapag hindi mga isinugo, sabi sa 2 John 1:10:
"Kung sa inyo'y dumating ang sinoman, at hindi dala ang aral ng ito, ay huwag ninyong tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyo siyang batiin."
Ang mga apostol ay may mga babala sa mga kapatid na itong hindi mga sugo ay hiwag tanggapin o pakinggan sapagkat tiyak na hindi katotohanan ang dala nilang mga aral kundi pagliligaw sa mga tao. Kaya ang tamang pagtanggap sa katotohanan ay yaong una ay may pagkaalam ka sa tunay na mangangaral. Ang mga tunay na mangangaral na pinagkatiwalaan ay ang mga apostol. Sila ang mga inutusan ng Dios. Ito ang sabi sa Acts 1:2
"Hanggang sa araw na tanggapin siya sa kataasan, pagkatapos na makapagbigay siya ng mga utos sapamamagitan ng Espiritu Santo, sa mga apostol na kanyang hinirang." - Acts 1:2
Dito'y isinasaad ng mga apostol ang mga pinagkatiwalaan ng mga utos ng Panginoon at sila rin ang may karapatang magpatupad nito. Kaya ang tamang pagtanggap ng katotohanan ay ang pakikinig sa mga apostol at pagkatapos ay sampalatayanan ang kanilang mga turo.
"Na sa kaniya ay kayo rin namn, pagkarinig ng aral ng katotohanan ng ebanghelyo ng inyong kaligtasan, nasa kaniya rin naman mula ng kayo'y magsisampalataya ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo na ipinangako." - Ephesians 1:13
Ang pagsampalataya ang ikalawang dapat gawin sa pagtanggap ng katotohanan. At sa ikatlo, ang pagsasagawa nito. Ayon kay Apostol Pedro sa 1 Peter 1:22:
"Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pag-ibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangag-ibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't-isa."
Ito ang sa ikasasakdal ng ating pagtanggap sa katotohanan. Ang pagsasagawa ng mga aral at turo ng mga sugong apostol.