page

10/27/13

Mayroon bang batayan sa Banal na Kasulatan na agad-agad dapat bautismuhan ang sinomang sumasampalataya sa pangangaral ng evangelio?

Mayroon at ang mga ito ay ating mababasa sa aklat ng mga Gawa 2:41. Yaong mga nakapakinig ng pangangaral ng salita ng Dios ay nangabautismuhan noong araw din na kanilang tinanggap ang evangelio ng ating Panginoon. Gayon din sa Gawa 16:33, ang tagapamahala ng bilangguan ay agad nagpabautismo kina Pablo at Silas noong gabi rin niyang tinanggap ang alok ng kaligtasan mula sa ating Panginoon sa pamamagitan ni Pablo. At sa Gawa 8:36 ay nakasaad na ang lalaking taga-Etiopia ay agad-agad nagpabautismo ng kanyang maunawaan ang pangangaral ni Felipe sa kanya. Samakatuwid, ang pagpapabautismo kaagad ng sinoman pagkatapos na maunawaan o tanggapin niya ang evangelio ay ayon sa pagtuturo ng Banal na Kasulatan.



Related Articles:

What is Baptism?
Three things God does to those who are baptized
The Great Commission
Regeneration
Repentance